MERYL ANNE B. LUCERO


          Ako, si Meryl Anne B. Lucero, ang lider ng grupong ito na gumawa rin ng blog na ito. Labing dalawang taong gulang, na kasalukuyang pumapasok sa Cavite National Science High School. 

           Para sa akin, ang paggagawa ng isang blog ay may kabutihan at di kabutihang maidudulot sa atin. Mabuti ito dahil, matututo tayong magpahayag ng ating mga nararamdaman o gustong sabihin sa isang tao o kaninoman. Dahil rin dito, ay nagagawa nating mag-isip pa ng mga bagay bagay upang makabuo ng anumang istorya o kwento na maaari nating ibahagi sa iba upang sa gayon ay mahasa pa ang ating mga kaalaman at lumawak pa ito. Hindi ito makabubuti sa atin, kung gagamitin natin ang blog sa mga maling paraan. Katulad ng pagcocomment ng anumang salita para sa iba, dito ay makakasakit tayo ng damdamin ng iba. Makasasama rin ito kapag kinopya o ginaya natin ang nilalaman ng isang blog upang magkaroon tayo ng ideya para sa ating mga proyekto o takdang-aralin. Kaya tandaan, ang blog ay isang orihinal na gawa ng may  mga akda kaya ito ay bawal gayahin.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento